A tour Around Jolo, Sulu

Image
  Assalamu Alaykum! (Peace be with you!) I just realized... I haven't talked much about my videos about Sulu in this blog. I have a playlist which you can watch if you are interested in seeing (or maybe visiting?) my dear homeplace.  Just check it out here: JOLO, SULU PLAYLIST You can watch this instead:      Yup, that is all for today.   PS. I am mulling over the idea of transferring my blog from blogspot to wordpress...  hmmmmmm    

Job Seek. Job Sick.

(Author's Note: 'Wag kayo magtaka kung bakit ENGLISH ang title ko at TAGALOG ang body ng Post. Bihira yan mangyari pero ganyan talaga yan, para maiba naman. Style.)


Trabaho.

Ganito lang naman karami ang mga walang trabaho.
Weez challenge, 11 Million lang naman.

Isang napakalaking bagay na pinaghahandaan ng bawat nilalang na sumubuk at umapak sa unang baitang pa lamang ng pag-aaral. Anim na taon sa elementarya, apat na taon sa Hayskul, at apat na taon muli sa kolehiyo. Pagkagraduate sa College, at may sariling Bachelor's Degree ka na, ang pakiramdam mo ay tila isang ibong ngaun lang nakaranas ng kalayaan. Napakasarap. Napakatamis. Tila abot mo na ang lahat. Para bagang, isang hakbang na lang ay matatamo mo na ang ilang taong pinaghirapan mong mga pangarap. Mga pangarap na inakalang makakamit kung ikaw ay may trabaho na. Maayos na sahod, isang masayang pamilya, maayos na bahay at magarang kotse kung makayanan man. Sa wakas, ngaung natapos mo na ang pag-aaral, tapos na ang paghihirap mo at ng mga magulang mo. Isa itong malaking paalala na panahon na nga; Panahon na na ika'y bitiwan ng iyong magulang, at hayaang mabuhay mag-isa, hanapin ang sarili mong kahihinatnan, patungo sa iyong mga minimithing pangarap.


Pangarap. 

"Oh aking mga Pangarap na siyang nagbibigay buhay sa bawat mithiin ko; sa bawat araw upang ako ay patuloy na magsikap pa. Hindi ako titigil dahil may mga pangarap ako. Hindi ako magpapatinag sa bawat pagsubok. Hinding hindi ako susuko kelan pa man!"


Tumitingala sa aking pangarap
At nagsimula ang masaklap mong paglalakbay. Inihanda ng maayos ang iyong Resume (na umabot ng ilang linggo para matapos lamang). Humanap ng maayos na masusuot sa interview. Nagsimula ka nang magtanong-tanong sa iba. Nang ang lahat ay naihanda na, at sa init ng araw na siyang mapagbadya, ikaw ay lumusob sa una mong pagsubok: Ang maghanap ng una mong trabaho bilang isang propesyonal na mamamayan. Kung anuman ang natapos mong kurso, o anuman ang napasa mo na Board Exam, pare-pareho lahat, dadaan sa masikip na pagsusulit ng paghahanap buhay. Makikipag-agawan sa mahigit 11 Milliong mga walang trabaho ngaun dito sa Pilipinas (source: SWS Survey, 2011). Magsisikap ka. Magsasanay ng mabuti. At magsusumikap pa ng lalo. Papatunayan mong mas karapat-dapat kang makuha sa trabaho, sa anu mang larangan ang natapos mo, dahil may mga pangarap ka pa rin. Baguhan ka pa nga; agresibo, hindi  madaling sumuko. 

Ilang ulit na pagsusumikap, paulit-ulit din ang iyong kabiguan. Luma na ang iyong Resume na iyong pinaka-iingatan. Ang iyong mga school records ay nasa isang Plastic Envelope, nakatupi ng maayos (hindi na daw uso ang brown envelope). Basang basa na sa pawis ang kwelyo ng maayos at plantsado mong Polo shirt. Wala ka pa ring trabaho. Tapos na lahat ang mga interviews sa mga trabahong inaplayan mo. At ni isa, wala kang kasiguraduhan kung makukuha ka nga ba. Hindi pala madali makahanap ng trabaho. Ganito pala kahirap ang dinanas ni Inah at Ama upang ako ay mapa-aral lamang, napaisip ka bigla at nanghinayang. Ngaun nalaman mo, dapat pala inayos ko ang pag-aaral ko noon, pinipili din kasi sino ang mayroong 'good records' at tinatapon lamang ang may mga pulang marka. Ikaw ay napilitang sumilong mula sa naglalayab na init ng araw. At ikaw ay napabuntong hininga na lamang, hindi mo alintana ang mga luhang dumadaloy sa iyong mga pisngi. 

"Pakshet naman oh! Ilang taon ako nag-aral, ganito lang pala gagawin sa akin!" Dali dali mong pinunasan ang mga luha waring wala ninuman ang nakakita. At sa pag-silip ng maghapon, nagpatuloy ka sa iyong paglalakbay. Lakad dito, lakad doon. Tanong dito, tanong doon. Pagod, nangangamoy sa pawis (may perfume naman eh), walang patutunguhan. At sa pagyapos ng takip-silim, ikaw ay umuwing talunan. Wala ni isang maayos na balita sa nasasabik at naghihintay mong mga magulang. Nananalangin, na bukas muli'y sana may mahanap ka nang trabaho.


Unang araw pa lang eto. At marami pang mga araw na susunod kagaya nito.

"Pagod na ako sa paghahanap. Ngunit kailangan kong magpatuloy. Ayoko masayang lamang ang ilang taong binuhus ng pamilya ko sa aking pag-aaral. Hindi ako titigil, dahil may mga pangarap pa rin akong gustong abutin."

Kahit alam mo na ang mga iyon ay mananatiling mga pangarap na lamang.

Buhay.
Wala akong mahanap na Appropriate
Photo. Ayan, pinagtripan ang ka-dorm-mate.
Ito ang katotohanan ng buhay na karamihan sa atin ay hindi binabahala man lang. Noong nag-aaral ka pa, maayos ang buhay mo; ngunit kung umasta ka para kang sino. Ang Buhay ay hindi puro tamis at liwanag lamang. Dumadaan din ang pait at dilim; ang sakit at paghihirap na hinding hindi mo maiiwasan. 

Tumingin ka sa iyong paligid at magmasid nang malalim. Tuunan ng pansin ang bawat nilalang na nakapaligid sa'yo. At muli't muli mong tanungin sa sarili mo: "Sino ako bukas makalawa? Anu ang magiging kinabukasan ko?"


Wakas.

Author's Note ulit:
Itong piraso ng sulatin na ito ay aking iniaalay sa lahat ng mga FRESH GRADUATES na nagsusumikap ngayon makahanap ng sarili nilang trabaho, esp sa mga magti-take ng board exams. Pati na rin sa mga tumatambay pa at naghihintay ng himala sa mundo. At pati na rin sa mga bago lang nawalan ng trabaho. Nakikiramay po ako. Amen.

(oi Ayusin niyo buhay niyo. Mahirap umasa sa iba. hehe... Tamaan wag magalit.
Sana naparating ko ang mensahe mula sa kaibuturan ng damdamin ko. adios!)

Salam Kasilasa, (with Peace and Love),
Anak Iluh



Comments

Anonymous said…
Ahmad! I'm loving your blog from now on. The perspectives are very realistic and inspiring. Pareho talaga tayong writer: idealistic for our dream of an ideal world. Keep going. I'm inspired to make my own blog. But, the fact is, I don't know how to start it..lol! Sukran ha. Allah bless you more.

Popular posts from this blog

Applying to UP College of Medicine

Sulu Hidden History: the Spanish-built Walled City

SOME USEFUL TAUSUG WORDS YOU CAN USE.