5 minutes starts.... Now!
Limang Minuto na naman.
Hindi ko akalain na ako ay malilibang pala sa bagong addiction na ito.
Limang minuto ako ay magsusulat (o mag-i-encode) ng kung anuman ang papasok sa aking isipan.
Limang minuto. Nakalog-out na ang aking FB pagkat ayoko rin namang ma-abala nito. Limang minuto ay napaka ikling panahon ngunit... napakaraming bagay ang pwedeng mangyari dito.
Sa loob ng limang minuto, ilang mga bagong panganak na mga sanggol ay massisilayan ng araw; isang panibagong buhay na magiging pagsubuk sa kanila. Sa loob ng imang minuto maaring mawalan ng hininga at buhay ang isang tao. Malunod. Masaksak. Mabangga ng tren (ang brutal naman). Makain ng piranha. Mahulug sa bangin na puno ng tinik at basag na bote. Aaah! tama na. basta, sa loob ng limang minuto maaring mangyari yun lahat. Di mo alam ano ang susunod. Ngunit iilan lang ba sa atin... iilang beses nga lang ba natin napagtanto na ang bawat limang minuto na dumadaloy sa atin ay napakahalaga. Limang minuto maari mong ibahin ang iyong (destiny).
Mahangin. Dumidilim na. Nauubusan na rin ako ng mga salita na pwede kong i---
TIME's UP!
(oops, sumobra ako ng 16 seconds)
Hangang sa Muli!
(hmm, i-invite ko kaya ang aking mga kaibigan na gawin din ito :-)
Comments