Ehem. Ehem. Mike test. Mike test.
5 minutes starts here==>
Limang minuto ako ay magsusulat. Nang kung anuman ang papasok sa aking isipan. Ito ay isang paraan para aking mabalik-tanaw ang mga bagay-bagay na akin nang nakaligtaan sa loob ng ilang linggong pagiging isang uod na hindi na gumagalaw.
Ewan ko ba ano ang nangyari sa akin nung makalipas na mga linggo. Tila baga ako ay isang (traveler) na nawawala; hindi alam kung san patutungo. Alam ko. Alam ko kung ano ang mga dapat kung gawin, ngunit hindi ko pa rin magawang igalaw ang aking katawan patungo sa mga hangaring ito: mga hangarin na alam kong mas makakabuti sa akin, sa aking pamayanan at sa ating kalikasan. Tila baga may ibang puwersa na humuhila sa akin. Humihila patungo sa ibang landas. Humahatak palayo sa aking mga napagtantyang mga "Prayoridad".
Limang minuto...
Limang minuto. Bibigyan ko ang aking sarili ng limang minuto sa hangaring maibalik ko ang mga dating nawala sa akin. Ako ay (hopeful). Ngunit hindi ko pa rin maintindihan, sa kaloob-looban ng aking damdamin mayroon paring kapiraso ng pagtitmpi; pagdadalawang isip. Ito nga ba ang dapat kong gawin? Tama nga ba ang aking pinagtutuunan ng pansin at oras? Ano nga ba talaga ang aking rason? Ang aking mahalagang misyon sa Buhay na to? wala? wala ba? O talagang dapat ko lang hanapin... Ngunit saan ako maghahanap? san ako patutungo?
Limang Minuto.
Limang minuto ko ay Patapos na.
sampung segundo...
ayan. tick tock. Tick, tock.
TIME's UP!
Salam kasilasa
AnakIluh
[NOTE: Hindi po kasali sa limang minuto ang pag-EDIT ng mga wrong spellings. Ngunit akin nang napagdesisyunan na pabayaan na ang ibang grammatical errors na mababasa niyo. Sa gayong paraan ay mapapanatili ang katunayan ng totoong ibinubunyag ng aking isipan. Estoryahee!
Abangan ang susunod pa na mga kabanata ng LIMANG MINUTO]
Comments
Natawa din ako dito ah. Dun sa may UOD na part. Wala akong maisip. I was thinking about the COCOON na hindi na gumagalaw... eh UOD na naisip ko. Pero atleast nagets naman siguro ng mga tao yun.
help me Pray mahanap ko ang tamang landas...