(Ikatlong parte ng HIndi-ko-malaman-kung-hanggang-ilang-parte-ito na seryeng "Limang Minuto". Simple lang po ang patakaran: sa loob ng limang minuto, ako ay magsusulat tungkol sa isang bagay (topic) ng walang pag-aalinlangan. Walang pag-EDIT at walang COPY-PASTE. Limang minuto ng pagsubok ay sisimulan na!
|
Mga Plato na aking napagDiskitahan |
Topic: PLATO
5 minutes starts here==>
Plato. Kung iisipin mo hindi naman natin palaging napapansin ang mga bagay na ito. Mga munting bagay na gawa sa bato o plastic kung saan inahahain natin ang mga pagkain. Minsan isda minsan kakanin. Merong mgaplato na mahal, meron din na napaka mura at madaling masira. Merong may mga litrato ng mga pagkain, bulaklak, yung iba pa nga merong mga litrato ni doraemon. Yung iba na gawa sa metal, yung parang may segregation pa; pang-Kindergarten o pang-Kulungan na mga plato.
ANu kaya ang buhay kung wala sila. Kung ako ang tatanungin mu, Ok lang sa akin. ilang beses na rin ako kumain na walang plato. Minsan sa "plastic" lang (Emisyu Style). Pero ang iba kasi sa atin ayaw daw kumain kung hindi sa plato; mga sosyal kasi sila; mga HIGH PROFILE daw kung baga. Eh pare-pareho lang naman; pwede ka naman kumain sa dahon ng saging. ang mahalaga eh may makain ka diba?
Plato. Naalala ko yung nanay ko andami niyang mga plato sa bahay; hindi naman namin nagagamit lahat kung hindi sa mga okasyon. at dahil sa dami nila ay marami na rin kamingmga naging kaibigan... mga tagahiram ng plato. Mula kapitbahay hanggang mga titser namin; pati mga klasmeyts ku na may cooking projects bumubisita na sa amin. Ang sarap kung marami kang kaibigan... kung mara mi ka rin plato. Ang bagay lang na nagbibigay ng sakit sa ulo sa mahal kung ina ay yaong mga humihiram na kulang na ang sinasauli. Marahil nabasag ang iba, marahil nawala; marahil napagkamanlang freesbie at pinaglaruan ng mga bata. Malay mo andun pala sa bakuran nila, ginawang lalagyan ng mga tira-tirang pagkain.
Hay. Kawawang mga plato.
TIMES UP!
SalamKasilasa
(Updated: wala pa. Edited. Wala pa)
Para sa ibang Posts sa seryeng
"Limang Minuto" i-click:
Part One
Part Two
Comments