A tour Around Jolo, Sulu

Image
  Assalamu Alaykum! (Peace be with you!) I just realized... I haven't talked much about my videos about Sulu in this blog. I have a playlist which you can watch if you are interested in seeing (or maybe visiting?) my dear homeplace.  Just check it out here: JOLO, SULU PLAYLIST You can watch this instead:      Yup, that is all for today.   PS. I am mulling over the idea of transferring my blog from blogspot to wordpress...  hmmmmmm    

Tulala

Ikaa-apat na parte ng di-ko-matukoy-kung-hanggang-ilang-parte-ito-pero-sige-nalang-at-ating-aalamin-sa-susunod -na-mga-kabanata ng seryeng "Limang Minuto". 

Unang tanong sa akin ay 'Bakit Tagalog at hindi Englis o Taususg ang ginagamit ko dito?'.. hmm... nahirapan ako dun ah... sinabi ko kasi dati na kung maari lamang ay ayokong gamitin ang wikang Tagalog. Kung bakit? akin-akin na lang yun. balik tayo sa unang tanong. Eto po ang aking simpleng kasagutan... Ehem ehem: Nahirapan po ako naghanap ng titulo na aayun dito. Kung Englis ay "Five Minutes" (napakasosyal naman, ayoko nang ganun. Kung Tausug naman eh "Lima Minit", at ang salitang "minit" ay hindi Tausug, thus defeating the purpose of the title to be purely Tausug. (Ayan, napa-englis ako bigla.)

Simulan na po natin ang kahibangang ito.

Limang minuto ay magsisimuala na in 3...2..1... Sulat!
======

Tulala ang titulo na naisip ko sa kwan na to (post ba ang tawag? ewan).
Ewan ko rin, basta kapag atat na atat na akong sumulat, at kung gulong gulo na ang aking mga isipan (ah oo, isa lang pala ang isipan ko) para bagang ang pagsusulat na lang nagiging paraan ko upang ma-relieve ang stress at tuluyan nang mapakawalan ang mga imahinasyon at idea na nasa kokote ko. Para silang mga hayop na nakakulung sa isang (cage) na gustong gustong lumayas na.

Eto ako. Tulala minsan. Tulala palage. Di na alam ano ang gagawin. tuwing nasa opisina ako, alam ko marami akong dapat gawing mga trabaho, sisimulan ko ang isa... hindi ko pa natapos, ayun, andun na naman ako sa isa, Hanggang sa paglubog ng araw, hindi ko sila matatapos lahat. Ito ang isa sa mga pinaka-kahinaan ko. Oo. Hindi ko pa rin magawang talunin ng puwersahan ang (Bad habit) na ito. Procrastination. Kakaibang procrastination kung saan, imbes na hindi gagawa nang anumang bagay, ay gagawa at magtatrabaho ako ng higit pa sa dapat kong gawin. Mismo ang pagsusulat sa mga papel nang kung anuman ang papasok sa isipan ko, (at yung papel na yun ay dapat sana para sa monthly report ko) ay isang bahagi ng pagigigng tamad ko. 

Di ko na matukoy kung saan ako patutungo.

Minsan sa isisp ko, eto ako, dito ako pupunta. Ang sarap ng pakiramdam nang may patutunguhan ang buhay mo, meron kang aasahan, meron kang 

=======prrrrrrrrrrrrt! Tapos na po ang Limang Minuto...==========
(Pwede mag-extend?)

Bitin noh?

Sige lang sa susunod na kabanata na lang tayo. Kailangan maging disiplinado tayo at sundin ang Batas ng Seryeng Limang Minuto. (Hindi ko na po inedit yan. Pesensya na kung minsan ay Ingles na mga salita na nag na-tatype ko. Ang hirap kasi magisip ng Tagalog kung nagmamadali ka. Paalala: Ang "cage" ay kulungan.


Salam Kasilasa!

Comments

Popular posts from this blog

Applying to UP College of Medicine

Sulu Hidden History: the Spanish-built Walled City

The May 1 Tuli Mission