A tour Around Jolo, Sulu

Image
  Assalamu Alaykum! (Peace be with you!) I just realized... I haven't talked much about my videos about Sulu in this blog. I have a playlist which you can watch if you are interested in seeing (or maybe visiting?) my dear homeplace.  Just check it out here: JOLO, SULU PLAYLIST You can watch this instead:      Yup, that is all for today.   PS. I am mulling over the idea of transferring my blog from blogspot to wordpress...  hmmmmmm    

Beinte Singko.

Bismillah.

Isang araw, palakad-lakad siya sa daan at lingid sa lahat ang kanyang pinagdadaanan. Palakad-lakad lang siya at hindi inaalintana ang mga nagraragasang mga dyip at ang mga nag-uunahang mga tao na tila nagkakarera. Abalang-abala ang lahat sa kani-kanilang mga patutunguhan, ayaw mahuli sa trabaho; ayaw mahuli sa pasukan sa eskwela; at ni isa sa kanila hindi nakapansin sa kanya. Ngunit siya ay palakad-lakad lang,din, hindi alam kung saan patutungo. Huminto siya at nagmasid sa kanyang kapaligiran.

"Ano ba to?" naisip niya, "Bat ba ang bilis-bilis ng mga tao dito?"

Maya-maya pa ay narinig na niya ang tunog ng kanyang lalamunan. Gutom na pala siya. Isinuksok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa, umaasang may mahanap na mga barya pambili ng makain. Suksok sa kanang bulsa. Walang laman. Suksok sa kaliwang bulsa. Wala rin. Suksok sa dalawang bulsa ng pantalon sa likuran. Wala talaga. 

"Paano ba yan," sabi niya sa hangin na tila kinakausap ito, " wala na rin palang natira sa bulsa ko,.." At patuloy na siyang lumakad pa.

Napahinto siya sa isang kanto ng mga tindahan ng pagkain; mga turo-turo, mga tinapay at meron pang nagbebenta ng buy-one-take-one na burgers. Lumapit siya sa may tindahan ng burger. 

"Magkano po yan?" tanong niya, 


Hindi sumagot ang ale na abalang-abala pa sa pagluluto ng burger niya, andami ring nakapila sa tindahan na yun. Na-aamoy na niya ang sarap ng pina-iinitan nitong steak tapos nilalagay sa gitna ng dalawang malaking pabilog na tinapay. Bubuhusan ng konteng ketsup at lalagyan ng konteng piraso ng gulay, saka ilalagay sa papel na supot bago binibigay sa mga mamimili. Tuwang tuwa naman ang naghihintay na mamimili.

"Magkano po ba isa?" Ikalawang tanong na niya at ngayon ay medyo nilakasan na niya ang kanyang tinig. Wala pa rin. Alam ba ng aleng ito na wala siyang pambayad? Sa pagkabigo sa kanyang hangarin na sana ay makatikim man lang ng Burger ay lumakad na lang siya sa susunod na tindahan...

Beinte singko. Beinte singko ang isang piraso ng Burger. Alam niyo ba yun?

(ahaha kala niyo seryoso? Joke joke lang, namiss ko lang magBlog. Oh yeah! I am back!)

Namiss niyo ba ako? o wala lang?


Comments

Popular posts from this blog

Applying to UP College of Medicine

Sulu Hidden History: the Spanish-built Walled City

The May 1 Tuli Mission