A tour Around Jolo, Sulu

Image
  Assalamu Alaykum! (Peace be with you!) I just realized... I haven't talked much about my videos about Sulu in this blog. I have a playlist which you can watch if you are interested in seeing (or maybe visiting?) my dear homeplace.  Just check it out here: JOLO, SULU PLAYLIST You can watch this instead:      Yup, that is all for today.   PS. I am mulling over the idea of transferring my blog from blogspot to wordpress...  hmmmmmm    

Sino ang Tunay na Kaaway?

Ni Anak Iluh (Isinalin mula sa orihinal na artikulo sa www.anakiluh.blogspot.com)
March 6, 2012

Bismillah. Ang Pagpupuri at Pasasalamt ay tangi sa Panginoon ng lahat ng nilalang, Ang Mahabagin, Ang Ma-Unawain, Ang Mapag-Patawad na Allahu Rabbul ‘Alamiyn. Salawat at Du'a para sa nabiy  natin, ang pinakahuling Propeta Muhammad Rasulullah (Sallahu ‘Alaihi wa Sallam).

Mag-aalas siete pa lang ng gabing yun, Sabado, ika-2 ng Marso taong 2012, nang bumulabog ang isang nakakagimbal na namang pagsabog sa maliit na (lungsod) ng Sulu. May pinasabugan na namang isang tindahan sa may (town). Wasak ang kesame ng tindahang kaharap ng makinang ‘generator’ kung saan nilagay sa ibaba nito ang sinabing bomba. Parito’t paroon ang mga natitrang ‘shrapnels’ at mga basag na salamin mula sa tindahan ding iyon. Ilang mga tao din, ang noo’y napadaan sa lugar na yun ang nakahandusay na sa daan at sa gilid ng ibang gusali; sugatan, dugu’an, at dala-dala ang isang pasanin na bumigla sa kanilang lahat.

Tuminig ang alarma ng mga kapulisan sa tabing istasyon ng mga pulis at nagmadali na silang nagtakbuhan sa pinangyarihan ng pagsabog. Ang ilang mga taong nasa Masjid noon (gawang malapit na ang Oras ng Eisha) sa may Munisipyo ay nakibalita at nagsitakbuhan na rin ang iba patungo doon. Hindi na maalintana ang pagmamadali ng mga kapulisan at mga mamamayang tumutulong sa mga yaong nakahandusay. Habang maingat sa kanilang mga galaw at baka may kasunod pang pagsabog, ay parito’t paroon ang kanilang sigaw sa iba ng : “Tumawag kayo ng Ambulansya! Bilis! Kumuha kayo ng masasakyan! Tumulong kayo dito!” Pagkadala sa mga biktima sa pinakamalapit na ospital ay dali-daling nagtatrabaho ang mga narrs at mga doctor. May kanya-kanya silang inaasikaso. Nililinis at ginagamot ang mga sugatang ngayo’y nag-(aluhuy) sa sakit, umiiyak, at ilan pa’y nag(mumura) nagtatanong kung bakit sila dawn a walang kasalanan ang na(kiyalugan).

Labingwalo ang sugatan sa gabing yon. Dalawang ang daliang binawian ng buhay.

Muli na namang namuo ang kaguluhan sa maliit ng na bayan ng Sulu…
=0=0=0=0=0=

Sa loob ng ilang buwan na nakalipas, unti-unti na sanang sumasagana ang kabuhayan ng mga mamamayan ng Sulu. At hindi pa man nakahinga ng maluwang sa katahimikan, mula sa ilang daang taon ng paghihirap at kaguluhan, may panibagong kalungkutan na naman ang sumibol. Hindi maitatangi na ang kaganapang ito ay isang bagay na dapat talagang bigyang tuon ng bawat isa sa atin. Isang karumal-dumal na kremen na hindi kailangman, sa anumang rason, mabibilang na ‘wala lang’ para sa ating lipunan, mas lalo na para sa ating relihiyong Islam. At ang pinakamalaking katanungan dito ay kung ‘Sino’? Sino ang may kapakanan ng lahat ng ito?

Sino? Sino ba ang may kagagawan nito?


Sila ba na tinatawag nating mga ‘Terorista’ na palaging binibintang ng sandatahan; mapa-Abu Sayyaf man o anuman ang pangalan nila? Sila bang bagong grupo na naman ng mga kriminal na gustong manakit ng mga tao? Sila kayang mga may kaugnayan sa mga makapangyarihan, dahil wala namang papatol sa kanila? Sila ba na mayroong hindi pinagka-intindihan; na may pinag-awayan sa sinuman ang nasa lugar na iyon? O di kaya sila ba itong mga mismong nagsasabi sa atin na gusto daw tumulong upang maabot natin ang tunay na kapayapaan?

Sino? Sino ba talaga sila? At bakit nila ito ginagawa?

Ano ang maibibigay nilang mga kadahilanan na kaya nilang isiping gawin ito, na ni isa sa atin ay hindi kailanman naging makatao? Kahit gaano man sila karami; nag-iisa man siya o may isang grupo sila; may kapangyarihan man sila o nagtatago sa karimlan; at kahit pa sabihing ang kanilang mithiin ay para sa ikakabuti (sa kanilang pananaw); at kung sino-sino man sila na nagpasimuno, nag-isip, nagplano, at sumuporta sa krimen na ito, ay matityak natin ay mayroon silang rason bakit. Pero bakit nga ba? Ano ang posileng rason nila?

May gusto ba silang gantihan? Sino-sino? Para saan? Sapat bang rason ang paghihiganting iyon at ang ibang inosenteng mamayan ang kanilang idadamay? Silang inosente na walang kinalaman sa anuman ang pinag-awayan, o pinag-lalaban nila ang kanilang babawian ng buhay? Ano kaya ang gusto nila? May nais ba silang patunayan? May gusto ba silang takutin at bigyang babala’ sa pagsabog na iyon? Sino ang gusto nilang takutin? At bakit? Ano ang makukuha nila kung marami ang matatakot sa kanila? Tataas ba ang kanilang antas sa buhay? Dadagsa ba ang kayamanan sa kanila? Dadami ba ang mga taong susunod sa kanila at ang kanilang mga paniniwala? Mas magiging mabuti ba ang bayan ng Sulu dahil dun?

Isang malaking kahibangan at pagkakamali ang ginawa nila.

Sa bawat hapdi at sakit na naramdaman ng mga taong nadamay sa gabing iyon, tiyak may katumbas itong parusa mula sa Diyos. Sa bawat luhang pumatak mula sa mga naulilang mga anak, asawa, kapatid, ina’ ama, at mga kaanak ng yumaong biktima; sa bawat kaluluwang nadamay, tiyak ang Diyos na lang ang nakakaalam sa kung anuman ang katumbas nitong kaparusahan. Sa bawat pangangambang idinudulot ngayon sa bawat mamamayan sa Sulu; hindi na makapagtrabaho ng tulad ng dati, hindi na makahanap ng hanap-buhay ng may matiwasay na pag-iisip; nalugmok at nasakop ng takot at pangamba dahil sa insidenteng iyon, mayroong inihahandang kapalit ang Diyos na Maawain.

Hayaan nang hindi sila matakot kumitil ng buhay. Hayaan nang hindi sila matakot sa galit ng mga na(oppressed) na mamamayang Tausug. Hayaan nang hindi sila nag-aalinlangang sumira sa mga ari-arian ng iba, gumuho ng mga pangkabuhayan ng iba. Isa na lang ang natitirang bagay na dapat nilang katakutan. Isang bagay na hinding-hindi nila matatakasan: Ang pagdating ng araw na sila na ang babawian na ng hininga; sa mga oras na kukunin na ng Mahabaging Allah ang kanilang mga kaluluwa. Hangga’t hindi pa nila pinagsisisihan ang mga kasalanang iyon, ay tiyak, makikita nila ito muli lahat na kasinliwanag ng buwan. Mararamdaman nila ito lahat. Masasaksihan nila ito lahat. Walang pagdududa, sila ay lubos na magsisisi sa mga oras na iyon.

Pero, sino nga ba talaga? Sino ba talaga ang tunay nating mga kalaban? Sino ang dapat nating sisihin?

Sila ba kaya, na tinatawag nating ‘terorista’? Sila bang nagpasimuno sa pagpasabog na iyon? O di kaya silang mga nag-isip, nagplano ng lahat-lahat? Sila kayang mga nagtatago sa mga uniporme? Sila bang nakaupo ng maayos sa kanilang mga malalamig na opisina? Sila kaya na may kapangyarihan, na walang binigay na pansin sa nangyayari sa mga sakop nila? Sila ba na nagbabansagang nagtuturo sa atin sa matuwid na daan? Sila bang nakahawak ng sandata o mga baril? Silang nakasuot ng pula? Itim? O dilaw?

Ang kasagutan ay isang malaking ‘Hindi’, aking kaibigan.

Hinding-hindi sila ang tuay nating mga kalaban sa giyerang ito. Ang pinakamalaki nating mga hadlang, mga kalaban ay ang mismo nating mga sarili. Sarili natin. Ikaw. Ako. Lahat tayo.

Kalaban natin ang bawat pagkakataong tumanggi tayong ipagsigawan ang katotohanan. Kalaban natin ang bawat pagpapabaya natin sa ating bayan. Kalaban natin ang bawat katamaran, bawat pag-iwas na mag-isip at gumawa ng mga hakbang para sa ikakabuti ng ating lipunan. Kalaban natin ang bawat pagtatago mula sa ating mga responsibildad bilang isang mamamayan. Kalaban natin ang gawaing maghintay at umasa na lang sa iba.

Kalaban natin ang mga masasamang ugali meron tayo. Kalaban natin ang bawat pag-inggit, paninira, pandaraya at pang-aalipusta sa mga kapatid natin. Kalaban natin ang bawat pagyayabang at pagbaba natin ng tingin sa iba. Kalaban natin ang bawat pagkakataong naghahanap tayo ng mga rason upang makaiwas sa ating mga problema. Kalaban natin ang pagsasabi ng “Sige lang, sila lang naman yun, hindi naman ako kasali.” Kalaban natin ang bawat oras na walang tayong ginagawa para sa ikakabuti ng marami.

Andiyan mismo sa ating mga sarili ang tunay nating mga kalaban. Hanggang kalian tayo magbibingi-bingihan? Magbubulag-bulagan? Hanggang kalian tayo maghihintay ng himala upang magsimulang magbago at gawin ang mga nararapat mong gawin? Kailan ka pa magsisimula? Kung kalian ba malapit na ang huli mong hininga at huling-huli na ang lahat?

May ilaw pa sa madilim na lagusang ito. Tumayo ka, kapatid. Simulan natin ang panibagong pag-ahon. Magkaisa tayo. Magsama-sama sa iisang hangarin. Magkaisa tayo sa isip, diwa, aksyon, at sa kung anuman ang kaya natin. Ito ang ating Jihad! Oh, aking mga kapatid sa Islam! Hindi tayo dapat mapagod sa pagdarasal sa Allah na nawa’y lumakas at lumawak pa ang Agama sa ating mga puso; na maging masagana at matiwasay muli ang ating mga pamumuhay; at paratingin Niya ang totoong Kapayapaan at Kaginhawaan saating lipunan. Ameen!

Ang Panginoong Allah ang siyang Al-‘Aadil, Al-Hakiym. Siyang magbibigay liwanag sa lahat, Siyang magbibigay gabay sa atin; Siyang magbibigay katuparan at (Balas, prize) sa bawat pagsisikap natin, In shaa Allah!

Ang galit at poot ng Allah para sa sinuman ang nagpasimuno ng pagsabok na iyon.

Kapayapaan at gabay, awa at pagpapatawad sa sinuman ang susunod sa Aghama Niya, ang Islam.


Wa billahil Taufiq wal Hidaya.
Salam Kasilasa pa katan.

Comments

Popular posts from this blog

Applying to UP College of Medicine

Sulu Hidden History: the Spanish-built Walled City

The May 1 Tuli Mission