Subtitle: "Ang Kwento ni Kristina" Story by Ahmad Musahari, Photos by Kartini Tahir "Kuya, lubog na po ba ang araw?" Ang tanong niya sa akin... Bismillah. Minsan sa ating buhay, kelan ba tayo huling naghintay ng paglubog ng araw? Kelan ba tayo huling nagtaka bakit ang bagal minsan ng oras at minsan nama’y sadyang kay bilis nito? Ilang ulit ba natin hiniling na sana ay matapos na ang isang nakakapagod na araw? Na sana ay tuluyan na tayong makauwi sa bahay at makapagpahinga na sa kubli ng luntiang gabi? Si Kristina Ito si Kristina o Tin-Tin. Sampung taong gulang na bata na naninirahan sa may Pasay. Una namin siyang nakilala nung bumisita kami sa UP Diliman. Lumapit siya sa amin ng kaibigan ko upang bentahan kami ng kanyang panindang pantali ng buhok (na tig-sampung piso isa) at payong (2 makukulay na payong; di ko na natanong kung magkano isa). Dun din siya nagsimulang magtanong sa amin. “Kuya, yan po ba ang araw?” sabay turo sa may maliwanag...