"Bantay" or "watchers" are those who come and stay in the hospital to accompany the patient. Mostly, they are the patient's parents (notably, mothers), grandparents, siblings or even cousins. Sometimes, they are just a close relative, a friend, a neighbor or even at times, just a stranger, a passer-by. We see them everyday. We interact with them almost at all times. Although we often neglect their mere presence, we cannot deny that they are among those who play an important role in the management of our patients' health and well-being.
This is just a portrayal of how a day of a "bantay" begins as they enter the hospital for the first time through the Emergency Room....
*I used the Tagalog language in this post as I found it the most relevant and appropriate in this setting.
====
“Kayo po ba ang bantay ng pasyente?”
“Opo. Ako po.”
“Ah, OK po. Eto po yung mga kailangang gawin. Kailangan po
namin siya kunan ng dugo para po sa laboratories niya tulad ng CBC, Blood type,
atbp.”
“Ah, sige po.”
“Pero kailangan po natin ng mga gamit tulad ng syringe
panturok, yung mga lalagyan ng mga dugo pati na rin po yung mga ‘dextrose’ na
gagamitin natin... Eto po yung reseta, nakalista na po dito ang mga bibilhin
ninyo. Mabibili niyo po yan sa mga malapit na pharmacy dyan sa labas.”
“San po to banda?”
“Dun po sa labas. Labas po kayo ng ER, tapos kaliwa po kayo,
dire-diretso hanggang makita niyo yung parking lot? Yung may mga kahoy? May mga
guards po dun, magtanong na lang po kayo. Marami po sa labas.”
“Sige po. Pwede po bang mamaya na, kasi… wala po kaming
nadalang pera eh. Biglaan po kasi to…”
“May matatawagan po ba kayong kasama niyo? May mga gamit po
kami dito pero kailangan po kasing palitan para sa mga susunod po naming mga
pasyente. Kung may makakatulong po sa inyo, pabili niyo na po agad para
mapalitan natin.”
“Sige po, ganun na lang. Pasensya na po. Salamat.”
Kumuha na ng mga dugo ang mga medical students, na parating
napagkakamalang “nars”.
“Ginagawa na po namin yung mga labs. Mamaya iakyat niyo po
to sa laboratories, wala na pong bayad yan kasi ER Charity po tayo.”
“San po banda yung…”
“Sa may second floor po. (tinuro ang pasukan) yan po
nakikita niyo yung pasukan sa loob? Diretso po kayo dyan, tapos kanan po, tapos
pasok ulit kumaliwa kayo. May makikita kayong daanan na may hagdan na paikot pa
taas. Sa bandang kaliwa niyo. Yun po yung laboratories. May mga guard po dun,
magtanong na lang po kayo pag di niyo makita.”
(tahimik) “Okay po.”
“May bluecard na po ba kayo?”
“Blue card? Wala pa.”
“Naku Tay, kailangan po natin ng bluecard para maasikaso to
lahat. Di po ba kayo nainterbiyu sa harap?”
“Na-intirbiyu po, pero walang binigay na blue card, diretso
na daw po kasi kami dito at…
“Kailangan po natin yun tay.”
“San po ba ako…”
“Dun po sa ER din po sa may Triage area. Kung saan po kayo
unang ininterbiw? balik po kayo dun, i-fill up niyo po yung ‘Kaalaman’ form,
tapos pagawa niyo po yung bluecard. Pagkatapos po nun balik po kayo dito ha?”
“Ah sige po.” (umalis papuntang triage, makalipas ang ilang
sandal, bumalik si tatay na may Bluecard) Kinuha ng medstudent ang bluecard at sinulat ang hospital
number ng pasyente.
“Eto na po yung ibibigay niyo sa laboratories. Daanan niyo
na rin poi tong isa, blood typing, sa blood bank. Magkatabi lang po sila.”
“Ah, san po ulit yung laboratory?”
“Sa second floor po. Diretso dun, kanan, pasok, kaliwa, may
hagdan sa kaiwa, paakyat, laboratories.”
“Sige po salamat.”
(umalis ang bantay papuntang laboratory. Dumaan ang duktor.)
“Oh, asan ang bantay nito? Bat iniwan ang pasyente?”
Pagdating ng bantay, papagalitan ng konte kasi iniwan ang
pasyente. Wala kasing ibang kasama.
Kawawa naman ang bantay.
====
Comments
Di natin maipagkakaila na napakalaki nga ng papel nila sa PGH. I tried writing what came to mind, pero mukhang kulang ata hindi ko nabigyan ng enough justice hehe. Looking forward to your post :D share mo naman URL ng blog mo oh!