(Author's Note: 'Wag kayo magtaka kung bakit ENGLISH ang title ko at TAGALOG ang body ng Post. Bihira yan mangyari pero ganyan talaga yan, para maiba naman. Style.) Trabaho.
Ganito lang naman karami ang mga walang trabaho. Weez challenge, 11 Million lang naman.
Isang napakalaking bagay na pinaghahandaan ng bawat nilalang na sumubuk at umapak sa unang baitang pa lamang ng pag-aaral. Anim na taon sa elementarya, apat na taon sa Hayskul, at apat na taon muli sa kolehiyo. Pagkagraduate sa College, at may sariling Bachelor's Degree ka na, ang pakiramdam mo ay tila isang ibong ngaun lang nakaranas ng kalayaan. Napakasarap. Napakatamis. Tila abot mo na ang lahat. Para bagang, isang hakbang na lang ay matatamo mo na ang ilang taong pinaghirapan mong mga pangarap. Mga pangarap na inakalang makakamit kung ikaw ay may trabaho na. Maayos na sahod, isang masayang pamilya, maayos na bahay at magarang kotse kung makayanan man. Sa wakas, ngaung natapos mo na ang pag-aaral, tap...