Ahmad Sampang ibnu Hajiri, MD

A Personal blog by a Tausug medical student (now a doctor!) from Sulu and the stories that inspired him.
Follow Me
Subtitle: "Ang Kwento ni Kristina"
Story by Ahmad Musahari, Photos by Kartini Tahir

"Kuya, lubog na po ba ang araw?" Ang tanong niya sa akin...

 Bismillah.

Minsan sa ating buhay, kelan ba tayo huling naghintay ng paglubog ng araw?
Kelan ba tayo huling nagtaka bakit ang bagal minsan ng oras at minsan nama’y sadyang kay bilis nito?
Ilang ulit ba natin hiniling na sana ay matapos na ang isang nakakapagod na araw? 
Na sana ay tuluyan na tayong makauwi sa bahay at makapagpahinga na sa kubli ng luntiang gabi? 


Si Kristina

Ito si Kristina o Tin-Tin. Sampung taong gulang na bata na naninirahan sa may Pasay. Una namin siyang nakilala nung bumisita kami sa UP Diliman. Lumapit siya sa amin ng kaibigan ko upang bentahan kami ng kanyang panindang pantali ng buhok (na tig-sampung piso isa) at payong (2 makukulay na payong; di ko na natanong kung magkano isa).

Dun din siya nagsimulang magtanong sa amin.

“Kuya, yan po ba ang araw?” sabay turo sa may maliwanag na bahagi ng langit na natatabunan ng mga makulimlim na ulap.

“Oo. Pero di natin makita kasi nga maulap ngayon” sabi ko.

“Aah. Pag-umabot na po ba siya dun eh gabi na?” (turo naman sa medyo mababang bahagi ng langit).

“Uhm, Oo. Pag dumilim na, gabi na nga. Bakit may hinihintay ka ba?” sabi ni Kartini na kasama ko.

“Wala naman po…” tumingala siya sa langit kung saan banda ang araw ay nagpupumilit na magliwanag kahit na ito’y natatakpan ng makakapal na ulap. “Di po ba iikot yung araw dun, tapos babalik na naman ulit bukas? Nabasa ko yun sa libro.” At ngumiti siya sa amin.

 Sa kaunting pag-uusap pa, nalaman namin na nasa grade four na siya. Patay na ang parehong nanay at tatay niya nung “baby” pa daw siya. Yung lola nila ang nagpalaki sa kanila ng kuya niya. Patay na rin lola niya ngayon kaya dalawa na lang sila ng kuya niya (13 taong gulang) ang magkasama sa bahay nila. Pero ang mas masaklap pa dun eh sa susunod na araw ide-demolish na daw bahay nila. Ang lungkot ng kwento niya. Wala akong magawa kundi ang makinig na lang at maging isang kaibigan kahit sa mga sandaling iyon man lang…

Unti-unting namuo ang aking paghanga sa batang ito. Marahil oo, nakakaawa ang kalagayan niya, ngunit mas nakakahanga na sa kabila ng lahat ng iyon ay nagawa niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa. Hinarap niya ang mga pagsubok na iyon ng may tapang sa napakamurang edad. Ilan nga ba sa atin ang nakayang subukin iyon?

“Lubog na po ba ang araw?”


Sinamahan namin siya maglakad-lakad at sakaling makahanap ng mga bibili ng paninda niyang mga pantali ng buhok at payong. Habang naglalakad ay lumapit siya sa akin.


Contact Form

Name

Email *

Message *

Translate

Reading...

logo

This template was designed by SoraTemplates, "Boxer" Template. for free.

just saying. -Dr. Ahmad