Posts

Showing posts with the label Limang Minuto

A tour Around Jolo, Sulu

Image
  Assalamu Alaykum! (Peace be with you!) I just realized... I haven't talked much about my videos about Sulu in this blog. I have a playlist which you can watch if you are interested in seeing (or maybe visiting?) my dear homeplace.  Just check it out here: JOLO, SULU PLAYLIST You can watch this instead:      Yup, that is all for today.   PS. I am mulling over the idea of transferring my blog from blogspot to wordpress...  hmmmmmm    

Beinte Singko.

Bismillah. Isang araw, palakad-lakad siya sa daan at lingid sa lahat ang kanyang pinagdadaanan. Palakad-lakad lang siya at hindi inaalintana ang mga nagraragasang mga dyip at ang mga nag-uunahang mga tao na tila nagkakarera. Abalang-abala ang lahat sa kani-kanilang mga patutunguhan, ayaw mahuli sa trabaho; ayaw mahuli sa pasukan sa eskwela; at ni isa sa kanila hindi nakapansin sa kanya. Ngunit siya ay palakad-lakad lang,din, hindi alam kung saan patutungo. Huminto siya at nagmasid sa kanyang kapaligiran. "Ano ba to?" naisip niya, "Bat ba ang bilis-bilis ng mga tao dito?" Maya-maya pa ay narinig na niya ang tunog ng kanyang lalamunan. Gutom na pala siya. Isinuksok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa, umaasang may mahanap na mga barya pambili ng makain. Suksok sa kanang bulsa. Walang laman. Suksok sa kaliwang bulsa. Wala rin. Suksok sa dalawang bulsa ng pantalon sa likuran. Wala talaga.  "Paano ba yan," sabi niya sa hangin na tila kinakausap...

Tulala

Ikaa-apat na parte ng di-ko-matukoy-kung-hanggang-ilang-parte-ito-pero-sige-nalang-at-ating-aalamin-sa-susunod -na-mga-kabanata ng seryeng "Limang Minuto".   Unang tanong sa akin ay 'Bakit Tagalog at hindi Englis o Taususg ang ginagamit ko dito?'.. hmm... nahirapan ako dun ah... sinabi ko kasi dati na kung maari lamang ay ayokong gamitin ang wikang Tagalog. Kung bakit? akin-akin na lang yun. balik tayo sa unang tanong. Eto po ang aking simpleng kasagutan... Ehem ehem: Nahirapan po ako naghanap ng titulo na aayun dito. Kung Englis ay "Five Minutes" (napakasosyal naman, ayoko nang ganun. Kung Tausug naman eh "Lima Minit", at ang salitang "minit" ay hindi Tausug, thus defeating the purpose of the title to be purely Tausug. (Ayan, napa-englis ako bigla.) Simulan na po natin ang kahibangang ito. Limang minuto ay magsisimuala na in 3...2..1... Sulat! ====== Tulala ang titulo na naisip ko sa kwan na to (post ba ang tawag? ewan...

Plato.

Image
(Ikatlong parte ng HIndi-ko-malaman-kung-hanggang-ilang-parte-ito na seryeng "Limang Minuto". Simple lang po ang patakaran: sa loob ng limang minuto, ako ay magsusulat tungkol sa isang bagay (topic) ng walang pag-aalinlangan. Walang pag-EDIT at walang COPY-PASTE. Limang minuto ng pagsubok ay sisimulan na! Mga Plato na aking napagDiskitahan Topic: PLATO 5 minutes starts here==> Plato. Kung iisipin mo hindi naman natin palaging napapansin ang mga bagay na ito. Mga munting bagay na gawa sa bato o plastic kung saan inahahain natin ang mga pagkain. Minsan isda minsan kakanin. Merong mgaplato na mahal, meron din na napaka mura at madaling masira. Merong may mga litrato ng mga pagkain, bulaklak, yung iba pa nga merong mga litrato ni doraemon. Yung iba na gawa sa metal, yung parang may segregation pa; pang-Kindergarten o pang-Kulungan na mga plato. ANu kaya ang buhay kung wala sila. Kung ako ang tatanungin mu, Ok lang sa akin. ilang beses na rin ako kumain na wa...

Limang Minuto-Part II

5 minutes starts.... Now! Limang Minuto na naman.  Hindi ko akalain na ako ay malilibang pala sa bagong addiction na ito. Limang minuto ako ay magsusulat (o mag-i-encode) ng kung anuman ang papasok sa aking isipan.  Limang minuto. Nakalog-out na ang aking FB pagkat ayoko rin namang ma-abala nito. Limang minuto ay napaka ikling panahon ngunit... napakaraming bagay ang pwedeng mangyari dito. Sa loob ng limang minuto, ilang mga bagong panganak na mga sanggol ay massisilayan ng araw; isang panibagong buhay na magiging pagsubuk sa kanila. Sa loob ng imang minuto maaring mawalan ng hininga at buhay ang isang tao. Malunod. Masaksak. Mabangga ng tren (ang brutal naman). Makain ng piranha. Mahulug sa bangin na puno ng tinik at basag na bote. Aaah! tama na. basta, sa loob ng limang minuto maaring mangyari yun lahat. Di mo alam ano ang susunod. Ngunit iilan lang ba sa atin... iilang beses nga lang ba natin napagtanto na ang bawat limang minuto na dumadaloy sa atin ay nap...

Limang Minuto

Ehem. Ehem. Mike test. Mike test. 5 minutes starts here==> Limang minuto ako ay magsusulat. Nang kung anuman ang papasok sa aking isipan. Ito ay isang paraan para aking mabalik-tanaw ang mga bagay-bagay na akin nang nakaligtaan sa loob ng ilang linggong pagiging isang uod na hindi na gumagalaw. Ewan ko ba ano ang nangyari sa akin nung makalipas na mga linggo. Tila baga ako ay isang (traveler) na nawawala; hindi alam kung san patutungo. Alam ko. Alam ko kung ano ang mga dapat kung gawin, ngunit hindi ko pa rin magawang igalaw ang aking katawan patungo sa mga hangaring ito: mga hangarin na alam kong mas makakabuti sa akin, sa aking pamayanan at sa ating kalikasan. Tila baga may ibang puwersa na humuhila sa akin. Humihila patungo sa ibang landas. Humahatak palayo sa aking mga napagtantyang mga "Prayoridad". Limang minuto... Limang minuto. Bibigyan ko ang aking sarili ng limang minuto sa hangaring maibalik ko ang mga dating nawala sa akin. Ako ay (hopef...