A tour Around Jolo, Sulu

Image
  Assalamu Alaykum! (Peace be with you!) I just realized... I haven't talked much about my videos about Sulu in this blog. I have a playlist which you can watch if you are interested in seeing (or maybe visiting?) my dear homeplace.  Just check it out here: JOLO, SULU PLAYLIST You can watch this instead:      Yup, that is all for today.   PS. I am mulling over the idea of transferring my blog from blogspot to wordpress...  hmmmmmm    

Bantay

"Bantay" or "watchers" are those who come and stay in the hospital to accompany the patient. Mostly, they are the patient's parents (notably, mothers), grandparents, siblings or even cousins. Sometimes, they are just a close relative, a friend, a neighbor or even at times, just a stranger, a passer-by. We see them everyday. We interact with them almost at all times. Although we often neglect their mere presence, we cannot deny that they are among those who play an important role in the management of our patients' health and well-being. 

This is just a portrayal of how a day of a "bantay" begins as they enter the hospital for the first time through the Emergency Room....

*I used the Tagalog language in this post as I found it the most relevant and appropriate in this setting. 
==== 

“Kayo po ba ang bantay ng pasyente?”

“Opo. Ako po.”

“Ah, OK po. Eto po yung mga kailangang gawin. Kailangan po namin siya kunan ng dugo para po sa laboratories niya tulad ng CBC, Blood type, atbp.”

“Ah, sige po.”

“Pero kailangan po natin ng mga gamit tulad ng syringe panturok, yung mga lalagyan ng mga dugo pati na rin po yung mga ‘dextrose’ na gagamitin natin... Eto po yung reseta, nakalista na po dito ang mga bibilhin ninyo. Mabibili niyo po yan sa mga malapit na pharmacy dyan sa labas.”

“San po to banda?”

“Dun po sa labas. Labas po kayo ng ER, tapos kaliwa po kayo, dire-diretso hanggang makita niyo yung parking lot? Yung may mga kahoy? May mga guards po dun, magtanong na lang po kayo. Marami po sa labas.”

“Sige po. Pwede po bang mamaya na, kasi… wala po kaming nadalang pera eh. Biglaan po kasi to…”

“May matatawagan po ba kayong kasama niyo? May mga gamit po kami dito pero kailangan po kasing palitan para sa mga susunod po naming mga pasyente. Kung may makakatulong po sa inyo, pabili niyo na po agad para mapalitan natin.”

“Sige po, ganun na lang. Pasensya na po. Salamat.”
Kumuha na ng mga dugo ang mga medical students, na parating napagkakamalang “nars”.

“Ginagawa na po namin yung mga labs. Mamaya iakyat niyo po to sa laboratories, wala na pong bayad yan kasi ER Charity po tayo.”

“San po banda yung…”

“Sa may second floor po. (tinuro ang pasukan) yan po nakikita niyo yung pasukan sa loob? Diretso po kayo dyan, tapos kanan po, tapos pasok ulit kumaliwa kayo. May makikita kayong daanan na may hagdan na paikot pa taas. Sa bandang kaliwa niyo. Yun po yung laboratories. May mga guard po dun, magtanong na lang po kayo pag di niyo makita.”

(tahimik) “Okay po.”

“May bluecard na po ba kayo?”

“Blue card? Wala pa.”

“Naku Tay, kailangan po natin ng bluecard para maasikaso to lahat. Di po ba kayo nainterbiyu sa harap?”

“Na-intirbiyu po, pero walang binigay na blue card, diretso na daw po kasi kami dito at…

“Kailangan po natin yun tay.”

“San po ba ako…”

“Dun po sa ER din po sa may Triage area. Kung saan po kayo unang ininterbiw? balik po kayo dun, i-fill up niyo po yung ‘Kaalaman’ form, tapos pagawa niyo po yung bluecard. Pagkatapos po nun balik po kayo dito ha?”

“Ah sige po.” (umalis papuntang triage, makalipas ang ilang sandal, bumalik si tatay na may Bluecard) Kinuha ng medstudent ang bluecard at sinulat ang hospital number ng pasyente.

“Eto na po yung ibibigay niyo sa laboratories. Daanan niyo na rin poi tong isa, blood typing, sa blood bank. Magkatabi lang po sila.”

“Ah, san po ulit yung laboratory?”

“Sa second floor po. Diretso dun, kanan, pasok, kaliwa, may hagdan sa kaiwa, paakyat, laboratories.”

“Sige po salamat.”
(umalis ang bantay papuntang laboratory. Dumaan ang duktor.)

“Oh, asan ang bantay nito? Bat iniwan ang pasyente?”

Pagdating ng bantay, papagalitan ng konte kasi iniwan ang pasyente. Wala kasing ibang kasama.

Kawawa naman ang bantay. 

====





Comments

Unknown said…
Ahmad! Napakatotoo ng mga ito. Matagal na rin akong nagbabalak magsulat tungkol sa mga bantay at sa malaking papel nila lalo na sa PGH. :)
ahmad said…
Hello Amiel! Salamat sa pagbisita hehe.
Di natin maipagkakaila na napakalaki nga ng papel nila sa PGH. I tried writing what came to mind, pero mukhang kulang ata hindi ko nabigyan ng enough justice hehe. Looking forward to your post :D share mo naman URL ng blog mo oh!
Unknown said…
Haha! I blog at caryamiel.wordpress.com :) Balak kong magsulat tungkol sa mga bantay sa blog ko o sa Medics :D

Popular posts from this blog

SOME USEFUL TAUSUG WORDS YOU CAN USE.

Sulu Hidden History: The remnants of Sulu Parula (Parola) -part 2

The May 1 Tuli Mission